v ANO ANG DISH GARDEN?
Ang Dish Garden ay isang indoor plant na binubuo ng iba’t ibang halaman na may ugat, itinanim at inayos ang landscape sa mababaw na paso (dish). Ito ay tinatawag din na Miniature Garden – isang malaking lugar na pinaliit tulad ng isla, bundok at dalampasigan.
Sa pamamagitan ng Dish Garden maaaring mapalapit tayo sa kalikasan.
v GUSTO MO BA GUMANDA ANG IYONG BAHAY O OPISINA?
Maglagay ng Dish Garden sa sala , terrace, sa ibabaw ng refrigerator, sa center table o sa Comfort Room .
.Mainam na may halaman sa loob ng ating bahay , ito ay nakakaganda sa ating paningin at nakakatanggal ng stress.
v ANO ANG MABUTING NADUDULOT NITO?
· Ito ay nagbibigay ng oxygen.
· Ina-absorb nito ang mga alikabok at amoy sa loob ng bahay.
· Ito rin ay nagbibigay ganda at nakakaagaw pansin sa mga panauhin.
MGA KATANUNGAN SA PAG-AALAGA NG DISH GARDEN
PAANO ITO DILIGAN?
Gumamit ng sponge sa pagdilig. Ilublub ang sponge at pigain ng dahan-dahan sa tapat ng plants. Ingatan na huwag masira ang kaayusan o landscape design nito. Gawin ito ng paulit-ulit hanggang maabsorb ang tubig ng roots.
ITO DAPAT DILIGAN?
Diligan ito araw-araw o -5 na beses sa isang lingo. Ilagay sa naaarawang lugar , 7am-8am habang pinapatulo ang sobrang tubig sa dish garden.
LUMALAKI BA ANG HALAMAN?
Opo, ngunit mabagal o gradual ang paglaki nito dahil sa mababaw na paso. Ang roots ay di malayang maka-penetrate o makakilos.
SADYA BANG NATUTUYO O NAGIGING DILAW ANG DAHON NG HALAMAN?
Normal na nagiging dilaw ang kulay ng dahon ng halaman. Ang ibig sabihin lamang nito ay wala ng pagkain na naka-imbak sa dahon. Tanggalin ang mga dilaw na dahon upang mapabilis ang pagtubo ng bagong usbong na dahon nito.
I-apply ang TLCCA Formula. T- ender, L-ove, C-are, C-onstant A-ttention .
Dapat may kapalitan ang dish garden, bumili ng dalawa o higit pa. Habang nakadisplay ang isa ang iba naman ay nasa arawan o nasa shaded area.
For further inquiries please contact:
Democrito L. Flores, Jr.
Mobile #: +63922-893-4584
Email: demy.dishgarden@yahoo.com